TNT lamang uli sa PBA finals matapos talunin ang San Miguel

By Len Montaño August 10, 2019 - 03:07 AM SHARE(S):
PBA photo

Mula sa hindi magandang simula ay nakabawi ang TNT at tuluyang tinalo ang San Miguel sa Game 3 ng kanilang finals series sa PBA Commissioner’s Cup sa score na 115-105.

Dahil sa bagong panalo ay lamang na uli ang TNT sa kartadang 2-1.

Hindi nagpatinag si Ka Tropa import Terrence Jones sa tila psy war ng Beermen at pinangunahan nito ang panalo ng koponan sa ginawang 37 points.

Tinulungan ni Jones ang team na mahabol ang 17 puntos na lamang ng Beermen.

Sa unang bahagi ay nagkaroon ng Flagrant 1 foul si Jones kaya sinabihan ito ni coach Bong Ravena na mag-focus sa laro.

Nagdagdag si Roger Pogoy ng 29 points habang si Don Trollano ay nagtala ng career-best 18 points.

Samantala, sa panig ng San Miguel ay gumawa sina Chris McCullough at June Mar Fajardo ng tig 27 points.

Target ng TNT ang 3-1 lead sa Game 4 sa Linggo para isang panalo na lang ay tuluyan nang masungkit ang kampeonato.

 

TAGS: 2-1, Beermen, Coach Bong Ravena, Finals, Flagrant 1 foul, game 3, Ka Tropa, pba commissioner's cup, psy war, San Miguel, Terrence Jones, TNT, 2-1, Beermen, Coach Bong Ravena, Finals, Flagrant 1 foul, game 3, Ka Tropa, pba commissioner's cup, psy war, San Miguel, Terrence Jones, TNT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.