Alert level sa Marikina River, inalis na

Kuha ni Noel Talacay

Tinanggal na ang alert level sa Marikina River Biyernes ng gabi.

Sa anunsyo ng Marikina Public Information Office (PIO), alas-11:00 kagabi ay bumaba na sa 14.9 meters ang lebel ng tubig sa ilog kaya’t inalis na ang alert level 1.

Itinataas ang unang alarma kapag umaakyat sa 15 meters ang antas ng tubig.

Nangangahulugan itong pinaghahanda ang mga residente sa posibleng paglikas.

Umabot ng higit pitong oras na nasa 15 meters ang water level sa Marikina River.

Alas-2:00 ng madaling-araw ay nasa 14.6 meters na lang ang antas ng tubig sa ilog.

Mananatili namang nakaalerto ang lokal na pamahalaan ng Marikina at ang mga residente hangga’t hindi tuluyang bumababa sa 14 meters ang tubig.

Read more...