Sen. Bong Go pinangunahan ang pagbubukas ng isa pang Malasakit Center sa Valenzuela City

Kuha ni Clarize Austria

Pinasinayaan ng mga opisyal ng gobyerno ang pagbubukas ng ika-40 na Malasakit Center sa Valenzuela City Emergency Hospital.

Pinangunahan nina Senator Bong Go, Health Secretary Francisco Duque III, Representative Wes Gatchalian at Valenzuela City Mayor Rex Garchalian ang pagbubukas ng isa pang Malasakit Center.

Kuha ni Clarize Austria

Ang bagong center ay mayroong pedia ward, OB ward, ward para sa mga matatanda, animal bite clinic at eye clinic.

Maliban sa bagong pasilidad, nagbigay ng P12 milyon paunang pondo para sa pagbubukas ng Malasakit Center.

Tatanggap din ng P5 milyong pondo kada buwan ang ospital para sa pagpapatuloy ng operasyon ng center.

 

Read more...