Empress Emerita Michiko sasailalim sa operasyon dahil sa breast cancer
Sasailalim sa surgery si Japanese Empress Michiko matapos ma-diagnose na may early stage breast cancer.
Ayon sa anunsyo ng Imperial Household Agency araw ng Biyernes, namataan ang isang ‘tumorous mass’ sa kaliwang dibdib ng dating empress noong Hulyo.
Ito ang dahilan kung bakit nagsagawa ng maraming pagsusuri kay Michiko nitong buwan.
Ayon sa palasyo, pinaplantsa na ang surgery na posibleng gawin mismo o matapos ang buwan ng Setyembre.
Una rito, una nang sinabi na nakararanas ng hirap sa paghinga sa kanyang ‘morning walks’ ang 84-anyos na dating empress.
Noong Hunyo, na-diagnose si Michiko ng may heart abnormalities dahilan para pabawasan ng doctor ang physical activities nito.
Hindi naman nagsagawa ng gamutan sa abnormalidad sa puso ng dating empress dahil ayon sa mga doctor ay ‘relatively mild’ naman ang mga sintomas.
Ngayong Agosto, pinagpapahinga lamang si Michiko para makapag-ipon ng lakas para sa isasagawang operasyon sa kanyang breast cancer.
Si Michiko ay asawa ni dating Emperor Akihito na nagbitiw na sa pwesto noong Abril at ipinasa ang trono sa kanyang anak na si Naruhito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.