2 sundalo patay sa pag-atake ng ASG sa Jolo

By Jay Dones December 29, 2015 - 04:29 AM

 

Mula sa google maps

Dalawang sundalo ang napaulat na nasawi sa pananalakay ng mga bandidong grupo sa isang military detachment sa Jolo, Sulu.

Naganap ang pag-atake sa Bgy. Mapallam, bayan ng Talipao na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang miyembro ng militar at pagkasugat ng isa pang sundalo.

Biglang sumugod sa detachment ang Abu Sayyaf at pinaulanan ng bala ang mga sundalo.

Tumagal ng 15 minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig bago tumakas ang mga rebelde.

Ang ASG ang itinuturong sangkot sa serye ng mga kidnapping sa Mindanao.

Ang ASG ang may hawak ngayon sa ilang dayuhan kabilang na ang dalawang Canadian, isang Norwegian at isang Pinay na kanilang kinidnap noong September.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub