Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bahagi ng Davao Oriental alas-11:56 Biyernes ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 139 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Governor Generoso.
May lalim ang pagyanig na 110 kilometro at tectonic ang dahilan.
Dahil nasa tubig, hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.