Duterte sa mga pulis: Ok lang ang regalo wag ang suhol
May basbas mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtanggap ng mga pulis ng regalo mula sa mga taong nagpasalamat sa kanilang trabaho.
Katwiran ng Pangulo, walang mali sa pagtanggap ng regalo dahil sa pasasalamat.
Sa kanyang talumpati sa 118th anniversary ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame araw ng Biyernes, sinabi ni Duterte na hindi labag sa batas ang pagtanggap ng regalo kung ito ay bilang pagkilala sa magandang gawain ng pulis.
“It is not bribery because it is allowed by the law. What I mean is if there is generosity and then sabi ng anti-graft you cannot accept gifts, kalokahan ‘yan,” pahayag ng Pangulo.
Dagdag ni Duterte, tanggapin lang ng pulis ang regalo kung halimbawa ay pasasalamat ito sa pagresolba sa krimen.
Bukod sa pagtanggap ng regalo, wala ring problema ang Pangulo na magkaroon ng ekstrang kita ang mga pulis mula sa “video karera.”
Alam umano ng Pangulo na hirap ang pulis sa pagsuporta sa pamilya kaya okay lang sa kanya na may dagdag kita ang pulis sa pagtaya sa naturang sugal gamit ang video machine.
“Yung machine diba ‘yung karera…inyo naman ‘yan. Wala man akong pakialam. Eh hindi mo rin naman talaga mapigilan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.