China hindi pa rin kikilalanin ang arbitral ruling pabor sa Pilipinas

By Len Montaño August 09, 2019 - 10:16 PM

File photo

Nagmatigas ang China na hindi pa rin kikilalanin ang desisyon ng arbitral court ukol sa agawan ng teritoryo sa South China Sea na pabor sa Pilipinas.

Ito ay kahit muling ipilit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang arbitral ruling noong July 2016 sa nakatakdang pagbabalik nito sa China sa huling bahagi ng Agosto.

Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua, mananatili ang posisyon ng China na hindi kilalanin ang ruling ng international court ukol sa karapatan ng Pilipinas sa teritoryo sa rehiyon.

Sa isang panayam ay sinabi ni Zhao araw ng Biyernes na naiparating na nila dati ang kanilang posisyon at hindi ito magbabago.

“We expressed that we will not accept it. We will not recognize that. That remains. Our position has not changed and we will not be changed,” pahayag ng Chinese ambassador.

Pahayag ito ng China kasunod ng sinabi ni Pangulong Duterte na muli niyang igigiit sa China ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea sa kanyang ika-limang pagbisita sa Beijing.

Pero sinabi ni Zhao na ang dapat sentro ng diplomatikong ugnayan sa pagitan ng China at Pilipinas ay sa mga bagay na parehong pakikinabangan ng pag-unlad ng dalawang bansa at mga mamamayan nito.

 

TAGS: agawan ng teritoryo, arbitral ruling, China, Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua, hindi kikilalanin, Pilipinas, South China Sea, West Philippine Sea, agawan ng teritoryo, arbitral ruling, China, Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua, hindi kikilalanin, Pilipinas, South China Sea, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.