Manila water, wala pang natatanggap na kautusan mula sa SC ukol sa P1B na multa

By Noel Talacay August 09, 2019 - 07:02 PM

Hindi pa natatangap ng pamunuan ng Manila Water ang dokumento mula sa Korte Suprema kaugnay sa ipinataw na P1 bilyong multa sa kanila.

Ayon kay Dittie Galang, Communications Planning and Tactical Development Manager ng Manila water, handa silang gumawa ng mga legal na hakbang, kasama na dito ang pag-apela ng motion for reconsideration.

Aniya, umabot na ng P33 bilyon ang kanilang nagastos sa nakalipas na 21 na taon para mapabuti ang sewerage and sanitation services sa east zone.

Dagdag pa nito, maaaring pa itong umabot ng P38.4 bilyon sa taong 2022.

Magugunitang pinagmumulta ng Korte Suprema ang Maynilad Water Services Inc., Manila Water at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ng mahigit P1.84 bilyon dahil sa paglabag sa Philippine Clean Water Act simula pa noong 2009.

TAGS: korte suprema, manila water, multa, tubig, korte suprema, manila water, multa, tubig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.