Sen. Leila De Lima gustong madalaw ang may sakit na ina sa Bicol

By Jan Escosio August 09, 2019 - 05:44 PM

Inquirer file photo

Inihirit ni Senator Leila de Lima sa korte na dumidinig sa kanyang mga kasong may kinalaman sa droga na payagan siyang mabisita ang ina na nasa kritikal na kondisyon ngayon sa isang ospital sa Iriga City.

Sa isinumite niyang urgent motion for furlough, hiniling ng senadora sa korte na payagan siyang makalabas ng kulungan sa August 15 o sa pinakamadaling panahon para makapiling pa niya ang inang si Norma sa huling pagkakataon.

Noon nakaraang araw ng Linggo isinugod sa Villanueva Tanchuling General Hospital ang nakakatandang de Lima at ayon sa kanyang doktor kritikal ang kondisyon nito at maaring maging mabilis ang pagbagsak ng kalusugan.

Binanggit ni de Lima sa kanyang mosyon na simula noong siya ay arestuhin at makulong sa Camp Crame noong February 2017, dalawang beses pa lang silang nagkitang mag ina.

Hiningi din nito ang dasal para sa kanyang ina.

Samantala, kinumpirma ni Raymond Baguilat, abogado ni de Lima, ang inihain nilang mosyon.

TAGS: Camp Crame, Norma, Raymond Baguilat, Senator Leila De Lima, Villanueva Tanchuling General Hospital, Camp Crame, Norma, Raymond Baguilat, Senator Leila De Lima, Villanueva Tanchuling General Hospital

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.