DILG sa mga magulang: bantayan ang aktibidad ng mga anak sa eskwelahan
Muling umapela ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga magulang na maging alerto sa pagbabantay sa kanilang mga anak.
Ito ay kaugnay sa aktibong pag-recruit ng mga makakaliwang grupo sa mga paaralan at unibersidad sa bansa.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na ginagamit ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) ang kanilang mga front organization sa mga paaralan.
Pinapalitan aniya ng mga organisasyon ang pag-iisip at paniniwala ng mga estudyante para sumapi sa kanilang grupo.
Tiniyak naman ng kalihim ang pagbibigay ng tulong sa mga magulang na humarap sa pagdinig sa Senado ukol sa mga nawawala nilang anak na na-recruit ng makakaliwang grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.