CHR nais nang maging batas ang Human Rights Defenders Protection Bill.
Hinikayat ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga mambabatas ng bansa na bilisan ang pagpasa bilang batas ang Human Rights Defenders Protection Bill.
Ayon kay Atty. Jacqueline Ann de Guia, responsibilidad ng gobyerno na protektahan ang siguridad ng mga manggagawa at tagapagtaguyod ng karapatang pantao, at magkaroon ng kalayaan na makapagtrabaho.
Aniya, kasama rin dito ang mapangalagaan ang siguridad ng mga kamag anak at pamilya ng mga human rights defender.
Dagdag pa ni de Guia, maging ang isang tao ay isang aktibista, abogado, o mga manggagawa sa gobyerno na nagtataguyod sa karapatang pantao ay dapat na maprotektahan laban sa karahasan, lalong lalo na kung ito ay kaugnay sa kanilang mga trabaho.
Ang pahayag ng CHR ay ginawa matapos masawi sa pamamaril ang isang Human rights defender na si Brandon Lee sa harap mismo ng kanyang bahay noong August 5, sa bayan ng Lagawe sa Ifugao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.