Olango Island sa Lapu-Lapu City isinailalim sa state of calamity

By Angellic Jordan August 09, 2019 - 04:10 PM

Isinailalim na sa state of calamity ang Olango Island sa Lapu-Lapu City, Cebu araw ng Biyernes.

Ayon kay Nagiel Bañacia, hepe ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), ito ay para ma-assess ang calamity fund sa lugar.

Nakararanas kasi ng kakulangan sa suplay ng gamot, pagkain at kuryente ang lugar bunsod ng pagkakasuspinde ng mga biyahe ng sasakyang pandagat dahil sa sama ng panahon.

Dahil dito, hindi napapadala ang mga suplay sa lugar.

Naglaan ang CDRRMC ng P7 milyong pondo para asistihan ang mga apektadong pamilya.

TAGS: Lapu-Lapu City, olango island, State of Calamity, Lapu-Lapu City, olango island, State of Calamity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.