LOOK: Kanseladong flights dahil sa sama ng panahon, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang bilang ng mga kinanselang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), araw ng Biyernes, August 9.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), ito ay dahil pa rin sa patuloy na nararanasang sama ng panahon at sa pupuntahang destinasyon.

Kanselado ang mga sumusunod na biyahe:

Terminal 1:
China Airlines flight na CI 701 at 701 na biyaheng Taipei – Manila – Taipei

Terminal 2:
Philippine Airlines flight PR 890 at 891 na biyaheng Manila – Taipei – Manila

Terminal 3:
Cebu Pacific flight 5J 312 at 313 na biyaheng Manila – Taipei – Manila

Air Asia flight Z2 124 at 125 na biyaheng Manila – Taipei – Manila

KLM Dutch Airlines flight 807 at 808 na biyaheng Manila – Taipei – Manila

Terminal 4:
Skyjet flight M8 816 at 817 na biyahe Manila – Basco – Manila

Pinayuhan naman ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa mga airline company para sa rebooking o refund ng kanilang pamasahe.

Read more...