Pulis na nag-viral dahil sa road rage incident sa QC sinibak sa pwesto ng NCRPO

By Dona Dominguez-Cargullo August 09, 2019 - 02:49 PM

Sinibak na sa pwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Police Maj. Guillermo Eleazar ang pulis na nasangkot sa isang road rage incident sa Quezon City at nag-viral sa social media.

Nangyari ang insidente noong July 26, 2019 ng hapon sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Personal na nakausap ni Eleazar ang complainant na si alyas Robert para ireklamo ang pulis.

Sa imbestigasyon, patungong Maynila si Robert nang pumasok sa kaniyang linya ang isang puting SUV pero hindi niya ito pinagbigyan.

Doon nagalit ang driver ng SUV na may plakang ABA 1201 na nag-cut na sa kaniya at huminto sa harapan niya.

Naglabas pa ito ng baril at itinutok sa saskayan ni Robert, at pagkatapos ay hinanapan sya ng lisensya.

Nakasuot ng green na police t-shirt ang driver ng SUV na kalaunan ay nakilalang si Police Master Sergeant Wilson Q. Aquino na nakatalaga sa Station 3 Tactical Motorcycle Reaction Unit ng Quezon City Police District.

Nabatid na si Aquino ay naka-leave hanggang August 20, 2019.

Iniutos ni Eleazar na masibak sa QCPD si Aquino at mailipat sa NCRPO Regional Headquarters Support Unit.

Nagpadala na rin ng letter requests ang NCRPO sa Land Transportation Office (LTO), at sa office of Sergeant at Arms ng House of Representatives (HOR) para matukoy ang pagkakakilanlan ng may-ari ng sasakyang gamit ni Aquino.

Si Aquino ay kakasuhan ng Grave Misconduct at Grave Threat sa Quezon City Prosecutor’s Office.

TAGS: NCRPO, police, quezon city, Road Rage incident, NCRPO, police, quezon city, Road Rage incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.