PNoy, dumalaw sa lamay ni LJM

By Kathleen Betina Aenlle December 29, 2015 - 04:30 AM

 

Kuha ni MJ Cayabyab/Inquirer.net

Pumunta si Pangulong Benigno Aquino III sa lamay ni Philippine Daily Inquirer editor-in-chief Letty Jimenez Magsanoc, Lunes ng hapon.

Dumating ang Pangulo dakong alas-4:30 ng hapon sa Heritage Memorial Park sa Taguig City, at nag-alay ng mataimtim na panalangin sa harap ng abo ni Magsanoc.

Kinausap rin ni Pangulo ang asawa ni LJM na si Dr. Carlos Magsanoc at anak nitong si Kara para personal na ipaabot ang kaniyang pakikidalamhati.

Si Pangulong Aquino ang nanguna sa pagpapakita ng simpatya sa pamilya ni Magsanoc sa ngalan ng kaniyang gabinete.

Dumating rin sina Finance Secretary Cesar Purisima, Senator Bam Aquino, Commission on Higher Education chair Patricia Licuanan, Communications Secretary Sonny Coloma, Cabinet Secretary Rene Almendras, at presidential spokespersons Edwin Lacierda and Abigail Valte.

Dumalaw rin si Inquirer chair Marixi Rufino-Prieto, dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at beauty columnist Cory Quirino.

Isang araw matapos ang pagpanaw ni LJM, naglabas ng pahayag ang Pangulong Aquino na nagsasabing labis niyang ikinagulat ang nangyari at nagparating ng pakikiramay sa mga naiwang mahal sa buhay ni Magsanoc.

Bukod sa matapang na pagsusulong nito sa kalayaan at mabuting pamamahala, kilala niya si Magsanoc na laging prangkang nakikipag-usap sa kaniya ngunit may kasamang malalim na pang-unawa.

Pumanaw si Magsanoc noong bisperas ng Pasko sa St. Luke’s Medical Center Global City dahil sa cardiac arrest.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.