1st alarm itinaas na sa Marikina River; antas ng tubig umabot na sa 15 meters

August 09, 2019 - 03:25 PM

Itinaas na ang first alarm sa Marikina River.

Ito ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng water level sa Marikina River dahil sa nararanasang pag-ulan.

Ayon sa Marikina City Rescue, alas 3:00 ng hapon, umabot na sa 15 – meters ang water level sa ilog.

Sa ilalim ng 1st alarm ay inaalerto at pinaghahanda para sa posibleng paglikas ang mga residente sa mabababang lugar.

Pinatunog na rin ng isang minuto ang alarma sa Marikina River upang maalerto ang mga residente.

TAGS: Marikina City, marikina river, water level, Marikina City, marikina river, water level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.