Lightning red alert itinaas sa NAIA

Itinaas ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang lightning red alert sa Ninoy Aquino International Airport.

Epektibo ang alerto ala 1:29 ng hapon ng Biyernes, Aug. 9.

Ito ay dahil sa nararanasang malakas na buhos ng ulan na may pagkulog at pagkidlat.

Ayon sa MIAA, maari itong magdulot ng panganib kaya kailangang suspindihin ang flight at ground operations sa paliparan.

Pagsapit naman ng ala 1:39 ng hapon ay ibinaba na sa yellow ang alert level sa NAIA at nag-resume na ang normal flight operations.

 

Read more...