DFA maghahain ng diplomatic protest sa napaulat na presensya ng Chinese Navy at survey ships sa teritoryo ng Pilipinas

Maghahain ng diplomatic protest ang pamahalaan kaugnay sa napaulat na presensya ng Chinese Navy at survey ships sa karagatang pag-aari ng Pilipinas.

Sa kaniyang tweet, sinabi ni Locsin na ihahain ng DFA ang diplomatic protest.

Ito ay bilang tugon sa pahayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana kung saan kinukwestyon nito ang presensya ng mga barko ng China sa maritime territory ng Pilipinas.

Sa kaniyang pahayag sinabi ni Lorenzana na hihilingin niya sa DFA na mag-protesta o kaya ay humingi ng paliwanag sa China.

Read more...