LOOK: Bangkay ng lalaki natagpuan sa estero sa Tondo

Sa gitna ng nararanasang masamang panahon, isang bangkay ng lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa Estero de Vitas sa Tondo, Maynila.

Pasado alas-10:00 ng umaga ng Biyernes (Aug. 9) ng unang makita ang bangkay ni Froilan Apolinario, 31 anyos at residente ng Aplaya Gamban sa Tondo.

Hinihinala na nahulog at nalunod sa estero si Apolinario habang ito ay nagpapakain ng mga kalapati kasabay ng high tide sa Manila Bay.

Nang makita ang biktima ay wala itong damit pang itaas ang nakasubsob o nakalubog ang kanyang mukha sa tubig bukod pa sa ito ay nasa gitna ng mga lumulutang lutang na iba’t ibang uri ng mga basura.

Read more...