Manila Mayor Isko Moreno nagpatawag ng emergency meeting sa truckers’ group, PPA at port operators
Biglaang pinulong ni Manila Mayor Isko Moreno ang Truckers Association, Philippine Ports Authority (PPA), Asian Terminals Inc., (ATI) matapos magmistulang parking lot ng mga container trucks ang malaking bahagi ng Roxas Blvd., mula Parañaque City hanggang sa R-10 sa Tondo simula pa Huwebes ng gabi.
Sa pulong, napagbuntunan ni Moreno ang mga walang disiplinang driver.
Aniya kung sumunod lang ang mga ito sa truck lane ay hindi bumigat ng husto ang daloy ng trapiko.
Ito aniya kahit umabot pa sa Cavite ang kanilang pila at Osmeña Highway.
Kasunod nito ay nakiusap si Moreno na huwag munang palabasin ng mga bodega ang iba pang trucks na may schedule sa port area para hindi na makadagdag pa sa trapiko.
Ang pahayag na ito ni Moreno ay sinegundahan naman ni Eligio Fortajada ang acting manager ng South Harbor.
Aniya ang port operations ay nakadepende din sa lagay ng panahon, kung masama ang panahon ay talagang mahihinto ang operasyon para hindi malagay sa panganib ang mga manggagawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.