Booking ng cargo trucks sa South Harbor kinansela muna dahil sa naranasang backlog at mahabang pila ng mga truck
Inihinto muna ng ang pagtanggap ng booking ng cargo trucks para sa Manila South Harbor matapos makaranas ng backlog at mahabang pila ng mga truck simula kahapon hanggang ngayong araw.
Sa pahayag ng Asian Terminals, Inc. (ATI), ang masamang panahon dulot ng Habagat ang dahilan kaya nagkaroon ng problema sa kanilang oeprasyon at maging ang pagpasok ng mga truck ay naapektuhan.
Prayoridad umano nila ang kaligtasan ng kanilang stakeholders kaya minabuting ihinto muna ang operasyon.
Para matugunan ang nararanasan ngayong build-up ng mga truck, ginamit na ang lahat ng available na espasyo sa expanded port zone sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Ports Authority (PPA).
Sinabi ng ATI na sinuspinde pansamantala ang bookings upang matugunan ang backlog at maiwasan ang lalo pang paghaba ng pila ng mga truck.
Inabisuhan na rin ang lahat ng trucking partners na mayroon nang pre-booking na huwag nang tumuloy sa terminal hangga’t hindi naibabalik sa normal ang sitwasyon.
Ayon sa ATI nagpalabas sila ng customer circular at nagpaladala ng electronic messages sa kanilang customers para magabayan ang mga ito.
Hindi rin sisingilin ng penalty ang mga truck na may “late” o “no show” mula alas 10:00 ng umaga kahapon (Huwebes) hanggang alas 12:00 ng hatinggabi mamaya.
Humingi ng paumanhin ang ATI sa nangyari at sa naidulot na perwisyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.