Yellow warning nakataas pa rin sa Bataan, Bulacan at Pampanga
Nananatiling nakataas ang heavy rainfall warning sa ilang lalawigan sa Central Luzon.
Alas 11:00 ng umaga, yellow warning level ang umiiral sa Bataan, Bulacan at Pampanga,
Ayon sa PAGASA malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan ang nararanasan sa nasabing mga lalawigan.
Samantala, mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang aasahan sa susunod na tatlong oras sa Metro Manila at Tarlac.
Ganito rin ang lagay ng panahon sa Real, Quezon; Cavite, Zambales, Nueva Ecija at Batangas.
Muling maglalabasng rainfall warning ang PAGASA mamayang alas 2:00 ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.