Mga motorista pinaiiwas muna sa Roxas Blvd. at R10; nararanasang matinding traffic aabutin hanggang gabi

By Dona Dominguez-Cargullo August 09, 2019 - 10:18 AM

MANILA MDRRMO

Posibleng abutin hanggang gabi ang nararanasang matinding traffic ngayong araw sa maraming lansangan sa Maynila.

Ito ay bunsod ng pagkakabalam ng port operations sa Manila South Harbor na nagresulta sa paghambalang sa kalsada ng mga truck na dapat ay papasok ng pier.

Sa kaniyang pahayag, pinayuhan ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga motorista na huwag nang tangkain na dumaan sa Roxas Blvd, Road 10 at iba pang mga pangunahing kalsada patungo sa Pier ngayong araw.

Pinayuhan naman ang mga trucker na kung wala pa sila sa Manila area ay huwag nang ituloy ang pagbiyahe.

Tiniyak naman ni Moreno na katuwang ang Manila City Hall ng PPA at MMDA upang mapabilis ang pagsasaayos ng daloy ng traffic.

TAGS: Manila MDRRMO, Manila Traffic, Philippine Ports Authority, Manila MDRRMO, Manila Traffic, Philippine Ports Authority

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.