Sunog sumiklab sa Novaliches, Quezon City

By Clarize Austria August 09, 2019 - 09:47 AM

Nasunog ang residential area sa isang sa Barangay Kaligayan sa Novaliches, |Quezon City sa kabila ng mga pag-ulan.

Nag-umpisa ang apoy lagpas alas 8:00 ng umaga at itinaas sa unang alarma bandang alas 8:20 ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) ng Quezon City, nasa tatlong bahay ng mga informal settlers ang natupok ng apoy.

Nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil masakip ang daanan papunta sa lugar ng insidente.

Bandang alas 8:45 naman ng ideklarang fire out ang sunog.

Iniimbistigahan ng mga otoridad ang dahilan ng pagsiklab ng apoy.

Wala namang naiulat na nasaktan sa naturang insidente.

TAGS: 1st alarm, fire, quezon city, 1st alarm, fire, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.