Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

Dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan itinaas na ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Alas 8:30 ng umaga, yellow warning level ang umiira sa sumusunod na mga lugar:

Metro Manila
bataan
Bulacan
Cavite
Laguna
Rizal
Quezon (Gen. Nakar, Infanta, Real, Mauban)

Babala ng PAGASA, posibleng magkaroon na ng pagbaha sa mga flood-prone area.

Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Nueva Ecija at sa iba pang bahagi ng Quezon sa susunod na tatlong oras.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan din ang nakaaapekto sa Tarlac, Zambales, Pampanga, at Batangas.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 11:00 ng umaga.

Read more...