Roxas Blvd. nagmistulang parking lot; mga truck na papasok dapat ng Pier nakahelera sa kalsada
Nagmistulang parking lot ang kahabaan ng Roxas Boulevard, Biyernes (Aug. 9) ng umaga.
Ito ay dahil sa mga truck na may kargang container van na hindi makapasok sa Pier sa Maynila.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay JC Sto. Domingo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), simula alas 2:00 ng hapon ng Huwebes (Aug. 8) isinara na ang pier dahil hindi magamit ang kanilang magnetic lifter.
Ang malakas na hangin na dulot ng masamang panahon ang dahilan kaya hindi magamit ang magnetic lifter na naging dahilan ng pagpila ng mga truck dahil hindi sila makapasok sa pier.
Dahil dito, maraming motorista ang labis na naperwisyo at nagmistulang parking lot ang mga lansangan sa Maynila lalo na nag Roxas Blvd.
Naapektuhan din ang iba pang kalsada kabilang ang Lacson-España, Otis, Nagtahan, Quirino, at mga side street na palabas ng Roxas Blvd.
Ang traffic sa Roxas Blvd. ay umabot pa sa Buendia ang tail-end.
Alas 7:30 na ng umaga ng Biyernes nang buksan ang Pier at payagang makapasok ang mga truck pero matindi na ang build up ng traffic na naidulot ng insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.