Water level ng Angat dam patuloy sa pagtaas

Muling nadagdagan ang water level ng Angat dam sa nakalipas na 24 na oras.

Alas 6:00 ng umaga ng Biyernes, Aug. 9 sinabi ng PAGASA Hydrology Division na nasa 170.88 meters ang water level ng Angat dam.

Nasa halos 10-metro pa ang layo sa normal operating level nito.

Tumaas din ang water level ng Ipo dam at La Mesa dam.

Ang iba pang mga dam sa Luzon ay pawang nadagdagan ang water level.

Maliban lamang sa Magat dam at Caliraya dam na kapwa nabawasan ang antas ng tubig.

Read more...