15 pasahero sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang bus sa Butuan City

By Dona Dominguez-Cargullo August 09, 2019 - 08:13 AM

Labinglimang pasahero ang nasugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang bus sa Butuan City, Agusan Del Norte.

Batay sa imbestigasyon, ang bus ng davao Metro Shuttle ay galing sa La Paz, Agusan Del Sur at patungo sana sa Butuan City.

Pagsapit sa Brgy. De Oro ay nawalan ito ng kontrol at nahulog sa bangin.

Ayon sa ilang pasahero, mabilis ang takbo ng bus sa pakurbadang kalsada.

30 pasahero ang sakay ng bus, at ang mga nasugatan ay agad isinugod sa Butuan Medical Center.

Pinaghahanap naman ngayon ng mga pulis ang driver ng bus dahil tumakas ito matapos ang aksidente.

TAGS: accident, bus, Butuan City, Radyo Inquirer, accident, bus, Butuan City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.