Walong colorum vans hinuli dahil sa pagbiyahe sa Sta. Rosa, Laguna
Huli sa isinagawang operasyon ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) ang walong colorum na van na bumibiyahe sa Sta. Rosa, Laguna.
Tinatayang aabot sa P1.6 million ang kabuuang multa para sa walong nahuling colorum na sasakyan.
Ang anti-colorum operation ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng I-ACT Task Force, Philippine Coast Guard (PCG), Land Transportation Office (LTO), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Nahuli ang mga van na bumibiyahe sa bahagi ng Balibago, Sta. Rosa at Biñan-Sta. Rosa access road.
Inisyuhan ng traffic citation tickets ang mga driver at saka dinala sa impounding area ang mga van.
Magpapatuloy ang isinasagawang operasyon ng I-ACT laban sa mga colorum na sasakyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.