Balwarte ng ISIS nabawi ng U.S-led forces sa Iraq

By Den Macaranas December 28, 2015 - 08:09 PM

ramadi Iraq
AP Photo

Nabawi sa pamamagitan ng isang major military operations ang City of Ramadi sa Iraq na siyang isa sa pinakamalaking lugar na kontrolado ng ISIS sa nasabing bansa.

Sinabi ni Iraqi Military Spokesman BGen. Yahya Rasoul na muli nilang nabawi ang lugar makaraan halos ay maghapong pakikipag-barilan sa mga ISIS members.

Kinumpirma rin ng opisyal na kasama nila sa inilunsad na operasyon ang ilang mga foreign troops sa pangunguna ng mga American troops.

Noong nakalipas na buwan ng Mayo ay nakuha ng ISIS ang kontrol sa buong lungsod ng Ramadi na kilalang balwarte ng Sunni Muslims.

Ang nasabing lugar ay malapit sa lalawigan ng Anbar na siyang sentro ng mga Sunni Muslim populations sa Iraq.

Dahil sa nasabing pangyayari, nagbabala ang Iraqi government sa inaasahang pag-atake ng ISIS sa mga matataong lugar sa bansa.

Bukod sa mga checkpoints, mas tututukan nila ngayon ang pagbabantay sa mga vital installations na pwedeng targetin ng teroristang grupo.

TAGS: Iraq, ISIS, Sunni, U.S, Iraq, ISIS, Sunni, U.S

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.