19 na bangkay natagpuan ng mga otoridad sa isang lugar sa Mexico na pinamumugaran ng drug-cartel

By Dona Dominguez-Cargullo August 09, 2019 - 06:33 AM

Labingsiyam na katawan ng tao ang natagpuan sa isang lugar sa Mexico na itinuturing na pinamumugaran ng drug cartel.

Ang mga biktima na kinabibilangan ng tatlong babae ay natagpuan sa iba’t ibang lokasyon ayon sa state prosecutor sa Michoacan.

May nakita ring mga bangkay sa bahagi naman ng Uruapan state.

Ang iba sa mga biktima ay nakitang nakasabit sa tulay at walang saplot ang kalahating bahagi ng katawan at ang iba ay may tama ng bala ng baril.

Ang Michoacan ay itinuturing na isa sa bloodiest states sa Mexico dahil sa awayan sa pagitan ng mga criminal group.

Habang ang Uruapan naman ay itinuturing na battleground ng war on drugs sa Mexico.

Naglunsad na si President Andres Manuel Lopez Obrador ng national guard at tinatayang 80,000 ang itinalaga sa mga magugulong lugar sa Mexico.

TAGS: 19 bodies, drug cartel, Mexico, 19 bodies, drug cartel, Mexico

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.