1 sundalo patay, 2 pa sugatan sa engwkentro sa NPA sa Negros Occidental

By Dona Dominguez-Cargullo August 09, 2019 - 06:32 AM

Nasawi ang isang sundalo habang dalawang iba pa ang nasugatan sa engkwentro sa mga rebelde sa Himamaylan City, Negros Occidental.

Rumesponde sa lugar ang mga sundalo na pawang miyembro ng 62nd Infantry Battalion matapos na makatanggap sila ng sumbong na may mga armadong miyembro ng New People’s Army sa Barangay Buenavista.

Pero pagdating doon ng mga sundalo ay nakabakbakan nila ang mga rebelde sa bahagi ng Sitio Boyuron.

Nasawi sa naturang engwentro ang isang sundalo na may ranggong private first class at isang sergeant naman at isang corporal ang nasugatan.

Patuloy namang inaalam ng militar kung may nasugatan sapanig ng mga rebelde.

Nagsasagawa na rin ng hot pursuit operation sa mga tumakas na NPA.

TAGS: encounter, military, Negros Occidental, NPA, encounter, military, Negros Occidental, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.