Metro Manila, mga kalapit na lalawigan patuloy na inuulan – PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo August 09, 2019 - 05:31 AM

Inuulan ang Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan simula kaninang madaling araw.

Sa 5AM rainfall advisory ng PAGASA, dahil sa Habagat magpapatuloy pa ang pag-ulan sa susunod na mga oras.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang nararanasan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Mahina hanggang katamtamang ulan din ang mararanasan sa Tarlac, Pampanga, Batangas at Quezon.

Payo ng PAGASA sa publiko maging alerto sa posibleng pagbaha.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 8:00 ng umaga.

TAGS: Pagasa, Radyo Inquirer, rainfall advisory\], weather, Pagasa, Radyo Inquirer, rainfall advisory\], weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.