Naaresto ng Manila Police District Station 11 ang tinaguriang ‘solvent queen’ ng Binondo, Maynila.
Ang suspek na nakilala sa alyas na ‘Anabelle’, 44 anyos, ang sinasabing pinagbibilhan ng mga batang-solvent sa Binondo.
Nagsumbong ang mga taga-baranggay sa pulisya tungkol sa operasyon ng suspek kaya’t isinailalim ito sa surveillance na tumagal ng limang araw.
Nahuli sa akto si Anabelle sa bahagi ng Divisoria tulak-tulak ang kariton na naglalaman ng 45 litro ng solvent.
Bukod sa Binondo at Divisoria, umaabot din ang pagbebenta ni Anabelle ng solvent sa Recto at Morayta.
Umaabot umano sa P400 ang kita ng suspek sa kada litro ng solvent.
Samantala, timbog din ang umano’y kasosyo ng suspek sa pagbebenta ng solvent at dalawang parokyano nito.
Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Presidential Decree no. 1619 o Unauthorized Sale to Minors of Volatile Substances.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.