3 Catholic bishops na idinawit ni ‘Bikoy’ nagsumite ng counter-affidavits

By Rhommel Balasbas August 09, 2019 - 04:29 AM

INQUIRER/Willie Lomibao

Tatlo sa mga obispo na sinampahan ng criminal complaints dahil sa umano’y kaugnayan sa “Ang Totoong Narcolist” ang nagsumite ng counter-affidavits sa Department of Justice (DOJ).

Kinumpirma ng DOJ ang pagsusumite ng kontra-salaysay nina dating Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, CBCP vice president at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David at retired Novaliches Bishop Teodoro Bacani.

Ang tatlo kabilang si Cubao Bishop Honesto Ongtioco ay kabilang sa binanggit sa salaysay ni Peter Joemel “Bikoy” Advincula.

Ang salaysay ni Bikoy ang naging batayan ng PNP-CIDG sa paghahain ng sedition complaint at iba pang kaso.

Inaakusahan ang mga obispo ng umano’y pagiging bahagi ng shadow group ng ‘Project Sodoma’ at nagbigay ng financial, logistical, security at accommodations support sa sinasabing ouster plot sa pangulo.

Ngayong araw, August 9 magsisimula ang preliminary investigation ng DOJ sa mga kasong isinampa laban sa 36 katao kabilang ang mga obispo at si Vice President Leni Robredo.

 

 

 

TAGS: 3 obispo, bikoy, CBCP, Peter Joemel Advincula, PNP-CIDG, Project Sodoma, Vice President Leni Robredo, 3 obispo, bikoy, CBCP, Peter Joemel Advincula, PNP-CIDG, Project Sodoma, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.