Nadine Lustre matinding pagod ang inabot sa ‘Indak’

By Len Montaño August 09, 2019 - 03:27 AM

Matinding pagod dahil sa dance training sa pelikulang Indak ang dahilan ng pag-atras ni Nadine Lustre sa remake ng Korean movie na “Miracle in Cell No. 7.

Ayon kay Nadine, tinanggihan na niya ang naturang Korean film para magkaroon siya ng pagkakataon na magpahinga.

Sa nakalipas na mga buwan ay sumalang ang aktres sa matinding pagsasanay sa pagsayaw para sa bagong pelikula na Indak.

Binanggit ni Nadine na sa nakalipas na mga taon ay todo trabaho siya, dahilan ng pagod at epekto sa kanyang kalusugan at trabaho.

Ngayon anya ay gusto lamang ng dalaga na magpahinga matapos ang Indak dahil nakakaramdam na siya ng “burn out.”

Aminado rin si Nadine na sa edad niyang 25 ay nais niyang mas ingatan ang kanyang sarili.

Dahil sa pag back-out ay hindi na si Nadine ang leading lady ni Aga Muhlach sa “Miracle in Cell No. 7” kundi si Bela Padilla na.

 

TAGS: Aga Muhlach, Bela Padilla, burn-out, Indak, Miracle in Cell No. 7, Nadine Lustre, pagsasanay, pahinga, sayaw, Aga Muhlach, Bela Padilla, burn-out, Indak, Miracle in Cell No. 7, Nadine Lustre, pagsasanay, pahinga, sayaw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.