Ayon kay Poe sa darating na Martes, Agosto 13, magsasagawa ng pagdinig ang pinamumunuan niyang Committee on Public Services sa Senado para marinig ang paliwanag ng mga opisyal na nasa sektor ng pampublikong transportasyon.
Pinuna ng senadora ang matinding kalbaryong nararanasan hindi lang ng mga motorista kundi lalo na ng mga pasahero.
Babala pa ni Poe na hindi niya palalagpasin ang sinoman kailangan managot.
Giit nito sa pag-eeksperimento ng mga opisyal, ang publiko ang nagdurusa kayat dapat aniya sa anuman polisiya o plano ukol sa pagpapagaan sa trapiko dapat ay ikunsidera ang mga motorista at pasahero.
Kinuwestiyon ni Poe ang paglala ng trapiko kasabay ng paghihigpit sa EDSA Yellow Lane policy at test run ng provincial bus ban.