Comelec tumanggap ng higit 100,000 aplikasyon sa unang linggo ng voters registration

By Clarize Austria August 09, 2019 - 02:57 AM

INQUIRER PHOTO/DALE ISRAEL

Umabot sa 100,399 na aplikasyon ang natanggap ng Commission on Elections (Comelec) para sa unang linggo ng voter’s registration sa buong bansa.

Ayon sa Comelec, sa unang tatlong araw ay nakapagtala sila ng 92,392 applications sa mga may edad na 18 years old pataas.

Habang ang nagparehistro na mga menor de edad na 15 hanggang 17 years old ay nasa 1,043.

Sa National Capital Region (NCR) ay nasa 8,430 ang aplikasyon.

Pinakamataas naman ang bilang ng mga nagparehistrong mga matatanda sa Region IV-A na 19,651 at ang Region VII naman para sa mga minors na nasa 1,043.

Nagsimula ang voter’s registration noon August 1 para sa nakatakdang 2020 barangay at Sangguniang Kabataan elections.

 

TAGS: aplikasyon, Barangay at SK Elections, comelec, menor de edad, unang linggo, voters registration, aplikasyon, Barangay at SK Elections, comelec, menor de edad, unang linggo, voters registration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.