Isa na namang bangka, lumubog sa Guimaras; 2 mangingisda nailigtas

By Rhommel Balasbas August 09, 2019 - 02:51 AM

Isa na namang motor banca ang lumubog sa katubigan ng Guimaras, Huwebes ng umaga.

Ang insidente ay naganap ilang araw lamang matapos ang malagim na paglubog ng tatlong motor banca noong Sabado na ikinasawi ng 31 katao.

Sa inisyal na impormasyon mula kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Armand Balilo, masamang panahon ang dahilan ng paglubog ng bangka kahapon.

Dahil sa mataas na alon at malakas na hangin, lumubog ang bangka sa bahagi ng Barangay Lawi, bayan ng Jordan.

Posible umanong nagpilit ang bangka na maglayag kahit mahigpit ang babala ng PCG.

Ligtas naman ang dalawang mangingisdang sakay ng bangka na nakilalang sina Catalino Bengson, 56 anyos, at Jayson Bengson, 19 anyos.

Kahit nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon Hanna, mapanganib pa rin ang paglalayag sa nakararaming bahagi ng bansa dahil sa Habagat na hinahatak ng bagyo.

 

TAGS: bagyong hanna, bangka, Guimaras, lumubog, PAR, PCG Spokesperson Armand Balilo, philippine coast guard, bagyong hanna, bangka, Guimaras, lumubog, PAR, PCG Spokesperson Armand Balilo, philippine coast guard

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.