Dalawang nagtangkang magnakaw ng grounding cable ng MRT3 arestado

By Noel Talacay August 09, 2019 - 02:44 AM

Nahuli sa akto ang dalawang lalaking ninanakaw ang tinatayang 10 metro ng grounding cable ng riles ng MRT3 sa kahabaan ng Shaw Boulevard at Boni Station araw ng Huwebes.

Nakilala ang mga suspek na sina Allan Garcia, residente ng Madaluyong City at Jose Llaneta, taga Caloocan City.

Nagtangka pang tumakbo ang dalawa pero naabutan ito ng mga gwardya ng MRT3.

Maliban sa grounding cable, nakita rin sa loob ng sako na dala ng mga suspek ang electric cable at mga ginamit sa pagnanakaw tulad ng pliers, lagare at iba’t ibang klase ng lyabe.

Ang grounding cable ay nagpoprotekta sa maaaring mangyaring electrical shocks.

Nakakulong na ang mga suspek sa Mandaluyong Central Police Station.

Samantala, sinabi naman ng pamunuan ng DOTr na hindi naman ito nag-dulot ng pagkaantala ng operasyon ng MRT3.

Dahil dito, magdaragdag ng security personnel sa MRT3 para masiguro na hindi na ito mauulit.

 

TAGS: 2 arestado, dotr, grounding cable, mrt3, nagnakaw, riles, 2 arestado, dotr, grounding cable, mrt3, nagnakaw, riles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.