Lalaki patay sa buy-bust operation sa Taguig City

By Clarize Austria August 09, 2019 - 02:27 AM

SPD photo

Nasawi ang isang tulak ng droga matapos manlaban sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Pinagsama sa Lungsod ng Taguig.

Kinilala ang suspek na si Danilo Marcos, 58 anyos.

Ayon sa inilabas na ulat ng Taguig City Police, natunugan ng suspek na pulis ang katransaksyon kung kaya’t pumasok sa bahay at saka pinaputukan ang mga awtoridad.

Gumanti naman ng putol ang mga pulis dahilan para masawi ang suspek.

Narekober sa suspek ang limang pakete ng hinihinalang shabu, kalibre .45 na baril, mga bala at buy bust money.

 

TAGS: buy bust, Lalaki patay, nanlaban, shabu, Taguig City, buy bust, Lalaki patay, nanlaban, shabu, Taguig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.