P4M halaga ng marijuana sinira sa Cebu City; trisikad driver nahulihan ng P500K halaga ng shabu
Sinira ang P4 milyong halaga ng marijuana sa Barangay Tagba-o, Cebu City araw ng Huwebes.
Ayon kay Police Lt. Col. Randy Korret, City Mobile Force Company chief, nadiskubre sa Oplan Amazon ang taniman ng marijuana sa Sitio Mapa.
Sa pagtaya ng Dangerous Drugs Board, ang sinirang marijuana ay nagkakahalaga ng P4.4 milyon.
Nasa 11,200 na mga tangkay ng marijuana ang binunot at sinunog.
Samantala, arestado ang trisikad driver na si Jason Dayap, 23 anyos matapos mahulihan ng P544,000 halaga ng shabu sa buy bust operation sa Barangay Labangon.
Ayon kay Police Lt. Marie Ann Piedad, City Drug Enforcement chief, nakuha sa suspek ang 80 gramo ng shabu.
Si Dayap ay iningusong pinanggalingan ng droga ng isa sa mga suspek na naaresto sa naunang operasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.