Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon Hanna.
Ayon sa abiso ng PAGASA, nakalabas ng PAR ang bagyo eksakto alas-12:30 ng madaling araw.
Dahil dito, ilalabas ang huling Severe Weather Bulletin para sa bagyo mamayang alas-5:00 ng umaga.
Batay sa 11pm bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 550 kilometro Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes at nasa bisinidad na ng Southern Ryukyu Islands.
Taglay ng Bagyong Hanna ang lakas ng hanging aabot aabot sa 195 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 240 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
Bagama’t nakalabas na ng PAR, inaasahan pa rin ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa nakararaming bahagi ng Luzon lalo na sa Batanes at Babuyan Group of Islands.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.