Negosyo ng mga Chinese sa mga isla sa Cagayan at Zambales hindi itutuloy kung may security threat

By Chona Yu August 09, 2019 - 01:02 AM

Credit: Naval Forces Northern Luzon

Tiniyak ng palasyo ng malakanyang na hindi itutuloy ng Pilipinas ang pagnenegosyo ng Chinese investors sa isla ng Fuga sa Cagayan, at mga isla ng Grande at Chiquita sa Subic Bay, Zambales.

Ito ay kung magdudulot ng banta sa seguridad ang planong pagtatayo ng ‘smart city’ sa tatlong nabanggit na isla.

Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, hindi mag-aatubili ang palasyo na ibasura ang panukala ng Chinese investors lalo na kung sasabihin o irerekomenda ni Defense Secretary Delfin Lorenza na mapanganib para sa bansa ang mga proyekto.

Kasabay nito, sinupalpal ni Panelo ang balak ni Senadora Risa Hontiveros na imbestigahan ang Chinese investment sa tatlong isla.

Ayon kay Panelo, premature pa ang panukala ni Hontiveros dahil nasa proposal at hindi pa naman pinal ang pagnenegosyo ng Chinese investors sa tatlong isla.

Pero ayon sa kalihim, igagalang ng palasyo ang hakbang ni Hontiveros na imbestigahan ang proyekto dahil tungkulin ng Senado na busisiin ang mga isyu na sa tingin nila ay mali.

 

TAGS: Cagayan, Chinese investors, Isla ng Chiquita, isla ng Fuga, Isla ng Grande, negosyo, Presidential spokesman Salvador Panelo, security threat, smart city, Subic Bay, zambales, Cagayan, Chinese investors, Isla ng Chiquita, isla ng Fuga, Isla ng Grande, negosyo, Presidential spokesman Salvador Panelo, security threat, smart city, Subic Bay, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.