BJMP ikinasa ang 4 o’clock habit at 4s kontra dengue
Ipinag-utos ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lahat ng jail unit regional directors na magsagawa ng hakbang kontra sa sakit na dengue.
Ayon kay BJMP chief jail director Allan Iral, makikiisa ang kanilang hanay sa “4 o’clock habit” scheme sa paglilinis sa lahat ng kulungan sa bansa na posibleng pamugaran ng lamok.
Makikipagtulungan din aniya ang lahat ng jail unit sa mga lokal na health units para maipakalat ang kamalayan sa sakit.
Tutulong din aniya ang BJMP sa information dissemination campaign ng Department of Health (DOH) sa bansa kabilang ang 4s strategy ng ahensya.
Sa huling datos ng DOH, mahigit anim na raan na ang bilang ng nasasawi dahil sa dengue.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.