State of Calamity idineklara sa Ormoc City dahil sa dengue

By Angellic Jordan August 09, 2019 - 12:20 AM

City Government of Ormoc photo

Isinailalim na sa state of calamity ang Ormoc City.

Ayon kay Ormoc City Mayor Richard Gomez, ito ay dahil sa tumataas na bilang ng mga kaso ng sakit na dengue sa lugar.

Sa pinakahuling datos, nakapagtala na ng kabuuang 426 na kaso ng dengue sa lugar.

Kasunod nito, hinikayat ng alkalde ang mga residente na makiisa sa mga isasagawang clean up drive para labanan ang naturang sakit bukas, araw ng Biyernes, August 9.

Nais ni Gomez na magsagawa ng search and destroy sa lahat ng mga barangay sa mga pinamamahayan ng lamok na may dalang dengue virus.

 

TAGS: clean-up drive, Dengue, Mayor Richard Gomez, Ormoc City, search and destroy, State of Calamity, clean-up drive, Dengue, Mayor Richard Gomez, Ormoc City, search and destroy, State of Calamity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.