Bagyong Hanna lumakas pa habang papalabas na ng bansa

By Rhommel Balasbas August 08, 2019 - 11:35 PM

Lumakas pa ang Typhoon Hanna habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa 11pm severe weather bulletin ng PAGASA, nasa bisinidad na ng Southern Ryukyu Islands sa Japan ang bagyo at inaasahang lalabas ng PAR alas-11:30 ngayong gabi hanggang alas-2:00 ng madaling araw.

Huling namataan ang bagyo sa layong 550 kilometro Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 195 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 240 kilometro kada oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Nakataas na lang ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa Batanes.

Ngayon hanggang bukas, ang outer rainbands o kaulapan ng Bagyong Hanna at ang Habagat ay magdadala ng mahina hanggang sa katamtaman na minsan ay may napakalakas na pag-ulan at pagbugso ng hangin sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

Katamtaman hanggang sa malalakas na monsoon rains ang nararanasan at patuloy na mararanasan hanggang bukas sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro at northern portions of Palawan kasama ang Calamian Islands.

Mahina hanggang sa katamtaman na minsan ay may malalakas na monsoon rains ang mararanasan sa Metro Manila, Western Visayas, CALABARZON, nalalabing bahagi ng Central Luzon at MIMAROPA.

Bukas ng gabi hanggang sa Sabado ng gabi, mahina hanggang katamtaman na minsan ay may malalakas na pag-ulan ang mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales at Bataan.

Mapanganib at ipinagbabawal pa rin ang paglalayag sa seaboards ng Luzon at Visayas at northern at eastern seaboards ng Mindanao.

Samantala, ang isa pang bagyo na may international name na ‘Krosa’ ay huling namataan sa layong 1,950 kilometro Silangan ng Extreme Northern Luzon.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 190 kilometro bawat oras.

Halos hindi gumagalaw ang bagyong Krosa at hindi naman ito inaasahang papasok ng PAR.

 

TAGS: bagyong hanna, batanes, habagat, Krosa, lumakas pa, Pagasa, papalabas, PAR, Tropical Cyclone Wind Signal no.1, bagyong hanna, batanes, habagat, Krosa, lumakas pa, Pagasa, papalabas, PAR, Tropical Cyclone Wind Signal no.1

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.