1 patay, 4 sugatan sa pagguho ng gusali sa Caloocan

Credit: Blue Dragon Manila Fire/Paulo Astorga Demalata

Dead-on-the-spot ang isang construction worker habang apat pa ang sugatan matapos gumuho ang isang gusali sa Sevilla St. cor. 7th Avenue, Brgy. 57, Caloocan City.

Ayon kay Caloocan City Deparment of Public Safety and Traffic Management OIC Larry Castro, tinitibag ng limang construction worker ang mga poste ng lumang gusali nang gumuho ito.

Kinuhang sub-contractor ng may-ari ng lote ang lima para tibagin ang mga natitirang poste ng gusali.

Isinugod ang tatlo sa Caloocan City Medical Center habang ang isa ay hindi na nagpadala pa sa ospital matapos lamang magtamo ng minor injury.

 

Read more...