Pagtawag sa emergency hotline 911 libre na sa ilang telcos
Libre na ang pagtawag sa emergency hotline na 911 sa ilang telecommunications company.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na libre na ang hotline 911 sa Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) at tatlong mobile networks nito.
Sakop nito ang mga subscribers ang Smart, Talk N’ Text at Sun.
Gayunman, hindi aniya ito nangangahulugan na dapat itong gamitin para manloko.
Sinuman aniyang mahuling nanloko o magsagawa ng prank calls ay paparusahan ng kagawaran.
Sa ilalim ng Presidential Decree 1727, sinumang mapatunayang guilty sa prank calls ay posibleng makulong ng mahigit limang taon at magbabayad ng multang aabot sa P40,000.
Umapela naman ang kalihim sa ibang mobile network na tiyaking magiging libre ang tawag sa emergency hotline.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.